Ang isang product na kahit kailanman ay hindi nalalaos ay
ang pagbenta ng pagkain. Canteen man o malaking restaurant, lahat ng ito ay
tiyak na patok sa mga tao. Ang Pinoy, by nature ay mga eaters. Mahilig ang
Pinoy sa pagkain. Napaka-adaptable ng mga Pinoy kaya kahit anong klaseng
pagkain pa yan mula sa iba’t ibang sulok ng mundo ay kaya nilang maka-survive
sa mga ito. Ito na din ang isa sa kadahilanan kung bakit napaka-gandang magtayo
ng restaurant sa Pilipinas.
Credit Image: http://iremit.co.nz/filipino-stores-restaurants-new-zealand-find/
Ang mga sumusund ay mga paraan na maaring makatulong sa
pagpapatayo ng isang restaurant:
1. Subukang magtrabaho sa isang restaurant
Ang isa sa pinaka-best na paraan para mabawasan ang risk sa
pagkalugi sa pagpapatayo ng isang restaurant ay ang pagkakaroon ng work
experience na related sa isang restaurant.
Mainam din na ang restaurant na iyong pagkukuhanan ng work
experience ay related o nasa kaparehong theme ng restaurant na plano mong
simulant o itayo.
Sa ganitong paraan, matutunan mo kung paano ang marketing ng
isang restaurant, pagdevelop ng menu, pagproseso ng payroll, at marami pang iba
na component ng restaurant world.
2. Alamin mo ang iyong target market
Alamin kung sinu-sino ang mga tao na nakikita mo na kakain
sa iyong restaurant kapag ito ay fully-functioning na. Ang mga tao bang ito ay
mga teenagers, pamilya, mga bata, o mga senior citizens? Ang pag-alam ng iyong
target market ay importante sa pagsisimula ng pagplano, sa pagdevelop ng
competitive na menu, sa paghahanap ng location, decoration at atmosphere ng
restaurant.
3. Pumili ng Service style at Food concept
Ang isa sa importanteng desisyon sa pagplano ng isang
negosyo ay ang pagdecide kung ano ang specific na service style (fast-food,
midscale, at upscale) at food concept (pagpili ng cuisine tulad ng Asian
Cuisine ba, Chinese Cuisine, Pinoy cuisine at iba pa).
4. Gumawa ng Business Plan
Walang fixed na format ang paggawa ng business plan.
Maraming mga reference materials tulad ng mga libro at internet upang
makatulong sa paggawa ng business plan.
Ang ilang mga importanteng bagay na dapat mailagay sa isang
business plan ay ang overall na konsepto at goals ng negosyo, specific na mga
financial na impormasyon at mga projections, description ng iyong mga target
market, iyong mga menu at pricing scheme, kagamitan o equipment, detalye tungkol
sa mga empleyado, paraan ng pag-aadvertise ng produkto, marketing plan ng
negosyo, at ang potential na exit strategy kung sakaling plano nang tapusin ang
negosyo.
5. Gumawa ng Menu
Ang menu ay isa sa pinakamahalagang aspeto ng isang
restaurant. Maari nitong maitaas ang sales ng isang restaurant ngunit maari rin
nitong ibagsak ang sales ng isang restaurant. Palaging i-update ang business
plan at gumawa ng paraan upang malaman kung ang target market ba ng negosyo ay
na-sasatisfy sa menu ng kumpanya.
6. Pumili ng Location at Layout
Ang lokasyon ng isang negosyo ay napakahalaga. Mainam na
makahanap ng lokasyon kung saan mayroong “extreme traffic” na kung saan may mga
convenient parking space at malapit sa madaming mga negosyo.
Source: https://www.legalzoom.com/articles/how-to-start-a-business-opening-a-restaurant
Awww excellent tips, bossing! Gusto ko magpapatayo ka ng electric company dyan para sayo na kami magpaconnect? Wag na restaurant makakasira sa diet ko. Hahaha joke lang wala akong diet.
ReplyDeleteDili ko aning restaurant bossing wala koy talent ani
ReplyDelete