Mga Paraan sa Pagpapatayo ng isang Meat Shop

Share:

Malaki ang kinikita ng mga meat shop owners dahil ang pagkain ay isang basic necessity. Kahit anong estado pa man ng ekonomiya, ang mga tao ay bibili pa rin sa mga ito. Ang pagkain ay isang basic need na kung saan kahit na bumagsak na ang ekonomiya ng isang bansa, ang mga negosyong ito ay maari pa ding kumita dahil kakain pa din ang mga tao kahit na anong sitwasyon ng isang bansa.

Credit Image: https://spicemeatshop.com/take-out-cooked-food/attachment/spice-meat-shop-slider3/

Ang kita sa mga meat products ay mas mataas kung ikukumpara sa mga ibang mga commodities na ibinebenta sa market.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga paraan upang makapagsimula ka ng isang successful na meat shop sa Pilipinas:

1. Magsimula na may sapat na pondo upang masimulan ang meat shop na negosyo.
Mainam na magsimula sa pagbili ng mga gamit tulad ng weighing scale, butcher’s knife, at isang cutting board. Ang pagpapatayo ng isang meat shop ay maaring umabot ng isang milyong piso na gastusin. Sa pag-franchise ng isang kilalang meat shop naman ay aabutin ng three million pesos.

2. Pumili ng ideal na location
Ang magandang pagtayuan ng isang meat shop at sa lugar kung saan madami ang populasyon. Ang mga location na ito ay sa mga wet markets ngunit ang mga babayaran na rights ay maaring maging mahal ang singil. Mainam din na itayo ang negosyo na di gaanong malapit sa mga competitors na nagbebenta ng murang karne. Mainam din na pumili ng lugar kung saan hindi ma-compromise ang hygiene ng mga karneng iyong ibebenta.

3. Kumuha ng sapat ng facilities
Kung nasa labas ka ng isang wet market, mainam na magkaroon ka ng isang display chiller upang makaakit na din ng mga customers. Ang halaga ng mga display chillers ay umaabot ng hanggag isang daang libong piso at depende pa din ito sa brand na iyong bibilhin.

4. Gumamit ng naangkop na equipment para sa meat shop
Maaring bumili ng isang band saw, panimbang, panggiling ng karne, kutsilyo, at mga freezers.

5. Alamin ang mga impact ng mga holidays sa iyong meat shop
Makakatulong ang pag aalam ng epekto ng mga holiday sa demand ng iyong bilihin upang malaman mo kung ilan ang mga inventory na kailangan mong i-stock sa iyong shop o freezer.

6. Mag-ingat sa pagbili ng mga murang karne sa mga di kilalang mga suppliers
Maari ka ngang kumita ng malaki kung makakabili ka ng mga karne sa mas murang halaga mula sa isang supplier. Ngunit maari ding magkaproblema ka kung ang mga karneng iyon ay may problema. Mainam pa rin na bumuli sa mga supplier na iyong pinagkakatiwalaan.

7. Alam ang iyong kikitaan mula sa iyong mga paninda
Mainam na alamin mo kung ano ang maari mong kitaan o makuha na profit mula sa mga karneng iyong nabili mula sa isang supplier. Mag-attend ka din ng mga seminars at training na makakapagturo sa iyo ng sapat na kaalaman sa paghihiwa ng mga karne. Maari din humingi ng tulong at advise sa mga kamag-anak at mga kaibigan na may alam sa pag-manage ng isang meat shop

Source: http://www.businesscoachphil.com/starting-a-meat-shop-business

2 comments: