Kung ikaw ay mahilig mag-alaga ng mga pets o ang iyong
pamilya ay may madaming pets, maari kang magpatayo ng isang pet shop na kung
saan kikita ka mula sa iyong hilig at hobby. Para sa mga nag-breed ng mga hayop
tulad ng mga aso, pusa, at isda, ang isang physical pet shop ay isang magandang
paraan sa pag-expand ng iyong negosyo.
Ang mga sumunod ay mga paraan upang ikaw ay makapagpatayo ng
isang pet shop:
1. I-register ang iyong negosyo sa mga government agencies na
required sa batas
Bago ka magsimula ng operations ng iyong negosyo, mainam na
iregister mo muna ang iyong negosyo sa mga required na government agencies sa
Pilipinas. Iregister ito sa Department of Trade and Industry (DTI) kung ang
iyong negosyo ay isang sole proprietorship. Iregister naman ito sa Securities
and Exchange Commission (SEC) kung ang iyong pet shop ay isang corporation o
partnership. Kumuha muna ng barangay clearance bago kumuha ng mayor’s permit.
Kumuha din ng Certificate of Registration and Authority para magprint ng mga
resibo sa Bureau of Internal Revenue o BIR. Ang ilan pang mga kumpanya na dapat
mong magregister ay sa SSS, Pag-Ibig, Philhealth, Department of Labor and
Employment, Bureau of Animal Industry, at sa Department of Agriculture.
2. Alamin ang mga batas tungkol sa pagkuha, pag-alaga, at
pagbebenta ng mga alaga
May mga endangered na species na bawal ibenta. Maari kang
makulong kung ikaw magbebenta ng mga endangaered na mga hayop. Mainam na
magresearch kung anu-ano ang mga hayop na endangered at bawal ibenta.
3.Pumili ng location kung nasaan ang ibang mga petshops sa
iyong lugar
Ang mga tao na may planong bumili ng alagang mga hayop ay
madalas na mag-shop around muna bago bumili. Nais nilang malaman kung saang pet
store ang may mga supply ng nais nilang bilhin. Makikita mo itong ganitong
set-up sa Arranque, Cartimar,Tiendesitas at sa iba pang mga lugar na kung saan
napakadaming mga pet na mga hayop ang ibinebenta.
Maari din maging succeeful mag-isa sa isang malaking mall
dahil sa laki ng foot traffic or dami ng mga tao na bumibisita sa isang lugar.
4. Bumili ng mga magagandang displays
Mainam na bumili ng mga displays na kaagad makakaagaw ng
pansin ng mga customers. Gumawa ng mga containment structures na sakto lang sa
laki ng mga alaga upang magkaroon ang mga pets na sapat na space upang maging
healthy at lumaki pa.
5. Humanap ng good dealers
Kumuha ng mga suppliers na may mga legal papers upang hindi
magkaproblema sa mga ibinebentang mga produkto. Makakatulong din ito upang
maiwasan ng isang pet shop ang makasuhan sa pagbebenta ng mga endangered na
species.
6. Alamin ang mga animals na maaring pagsama-samahin
Mainam na alamin ang mga hayop na maaring pagsama-samahin sa
iisang containment structure upang makapagtipid sa space at gastusin sa pagbili
o paggawa ng containment structures.
7. Kumuha ng isang veterinarian on retainer
Mainam na kumuha din ng isang veterinarian upang
makasigurong mas maalagaan medically ang iyong mga pets na paninda. Maari ka
din nilang bigyan ng mga advise na makakatulong sa pamamalakad ng iyong pet
shop.
Source: http://www.businesscoachphil.com/starting-a-pet-shop-business
No comments