Mga Paraan sa Pagpapatayo ng Isang Hardware Store sa Pilipinas

Share:

Sa bilis ng pag-progreso ng teknolohiya ng mundo, in na in ang pagpapatayo ng mga infrastructures. Ang ganitong oportunidad ay mainam na i-take advantage sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga negosyo na maaring makapag supply ng mga materyales para sa mga gumagawa ng mga infrastructure na ito.
By nature, ang isang hardware store ay isang retail store na nagtitinda ng tools at set ng mga construction materials na kailang upang makapagpatayo, renovate, maintain ng kahit na anong structure tulad ng mga bahay, building at pati na rin mga automobiles.

Ang ilan sa mga paninda ng isang hardware store ay mga building materials, power tools, electrical tools, equipment for automotive equipment, mga gamit para sa garden, pintura, para sa plumbing at marami pang iba.


Ang mga sumusunod ay mga paraan upang makapagpatayo ng isang hardware na negosyo sa Pilipinas:

1. Humanap ng mainam na negosyo
Bago ka mag-establish ng isang negosyo, alamin mo muna kung saan mo itatayo ang iyong negosyo.
I-consider mo din ang growth factor ng neighborhood kung saan mo planong ilagay ang iyong hardware na negosyo. Alamin ang bracket ng income na kinikita ng mga residents sa neighborhood na iyon. Mainam na alamin din ang competition sa lugar na iyon. Huwag lumugar sa isang location na mayroon nang established at kilalang hardware store.

Isa pang napaka-importanteng factor ay ang accessibility. Ang iyong hardware store ay dapat ilagay sa kung saang may mga construction sites o malapit sa mga construction sites. Iyong mga lugar kung saan may mga nagko-contruct ng mga bahay at ilang mga lugar na suitable ang developments ay mga maaring paglagyan ng iyong hardware store. Ngunit, importante pa din na alamin kung ilang ang amount ng traffic ang maari mong makuha mula sa lugar na iyon.

2. Alamin mo ang iyong target market
Ang iyong negosyo ay mapapalibutan ng isang buong komunidad. Mainam na alamin kung sino sa neighborhood na iyon ang iyong mga main customers. Ang pag-alam sa iyong mga customers ay pag-alam din ng kanilang mga pangangailangan at hilig. Alamin din mula sa iyong mga target market ang hinahanap nila sa isang hardware store.

4. Maging updated ka sa presyo ng mga materyales na iyong binebenta
Ang pagkita ng isang hardware store ay nakasalalay sa magiging presyo ng mga construction materials na ibinebenta nito kumpara sa presyo ng mg aka-kumpitensya ng kumpanya. Ang dahilan nito ay ang pag-canvas ng mga customers para makahanap ng mas murang materyales.

5. Kakailanganin mo ng pera upang makapagpatayo ng isang hardware store sa Pilipinas
Ang pinaka-basic na halaga na kailangan upang makapagpatayo ng isang hardware store sa Pilipinas ay 300,000 pesos.

6. Humanap ng suppliers
Mainam na humanap ng suppliers na kayang ibigay sa iyo ang stock needs mo. May tatlong uri ng mga suppliers; ito ay ang direct manufacturer, wholesaler, at ang secondary distributors. Ang madalas na tahakin ng isang hardware store ay ang pagiging wholesaler.

7. I-register ang Negosyo
Mainam na iregister muna ang negosyo sa nararapat na government office bago magsimula ng operations. Para sa mga sole proprietors, mag-register sa Department of Trade and Industry (DTI) at ang Partnership at Corporation ay required naman na i-regiter sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Source: https://ifranchise.ph/hardware-business-in-the-philippines/

No comments