Kung mahilig ka sa pag aalaga ng mga isda, maari kang
magpatayo ng isang aquarium shop. Kasabay ng pagbebenta mo ng mga iba’t ibang
klase ng mga isda ay ang paggawa at pag-supply mo na din ng mga aquariums sa
iyong lugar.
Kailangan mo ng kagalingan sa paglikha, determinasyon, at
malawak na pagpaplano upang maging successful ang iyong negosyo.
Ang mga sumusunod ay mga paraan upang makapagpatayo ng isang
successful na aquarium shop:
1. Gumawa ng ma-detalyadong goal-oriented na business plan
para sa iyong itatayo na aquarium shop.
Isulat ang iyong mga short-term at mga long-term na plano
para sa iyong itatayong negosyo. Ito ay makakatulong sa pagihikayat ng mga
customers, pagkakaroon ng kita, at pagpapalaki ng negosyo. Ito ay makakatulong
upang makapag-predict ng posibleng mga magiging problema ng isang nagsisimulang
negosyo. Ang ilang mga problemang ito ay ang pag-secure ng pondo para sa
negosyo at ang pag-alam na tamang lugar kung saan itatayo ang negosyo.
Ang common na component ng isang business plan ay ang
executive summary, description ng kumpanya, analysis ng market, organization at
management, linya ng produkto, marketing, pondo, mga financial projections at
ang appendix.
Gawing detalyado ang iyong plano. Maglista ng maliliit na
detalye tungkol sa iyong negosyo tulad ng mga detalye tungkol sa mga may-ari
nito, mga responsibilidad ng mga empleyado ng kumpanya, klase ng product na
iyong i-ooffer sa iyong mga customers, at ang presyo na iyong ilalagay sa iyong
mga produkto.
2. Mag-research tungkol sa kompetisyon at alamin ang market
kung saan ka lulugar
Para mapalaki mo ang chance ng iyong success sa pagpapatayo
ng iyong negosyo, kailangan mong malaman
ang mga produkto at mga serbisyo na magbibigay sayo ng lamang kung ikukumpara
sa mga produkto at serbisyo na ipinapaabot ng mga competition mo sa mga
customers.
Maaari ding bumisita sa ilang mga aquarium store na kung
saan maari kang makapag-obserba ng mga produkto at serbisyo na kanilang
ino-offer sa kanilang mga customers.
Isang mainam din na alamin ang mga special offers at mga
promos na ibinibigay ng ibang mga aquarium shops. Ang isang halimbawa na lang
nito ay ang isang aquarium shop na nag-ooffer ng next-day installation. Ikaw
bilang competitor nitong aquarium store ay maari kang mag –offer ng same-day
installation.
3. Kumuha ng mga lisenya, permits, certifications at
insurance
Mainam na i-accomplish muna ang mga legal requirements sa
pagpapatayo ng isang aquarium shop upang hindi na magkaroon ng legal problems
na related sa pag-operate ng iyong negosyo.
4. Humanap ng bakanteng store or lote upang itayo ang iyong
aquarium shop
Humanap ng lugar kung saan malapit sa iyong competisyon
upang maka-take advantage sa foot-traffic na nakukuha ng iyong competitor
store.
Kung successful ang store ng iyong competitor ay maaring ang
lugar na napili nito ay ang dahilan kung bakit nagkakaroon ito ng madaming
customers.
5. Bumili muna ng lahat ng mga gamit na kakailanganin bago
magsimula ng operation ng iyong aquarium shop
Mainam na bumili muna ng mga cleaning supplies, bumbilya, at
mga cash registers.
Source: https://m.wikihow.com/Start-an-Aquarium-Shop
No comments