Mga Paraan sa Pagpapatayo ng isang Franchise na Negosyo

Share:

Kung ikaw ay isang empleyado at sawa ka nang pumasok sa trabaho ng 9am to 6pm o 8am to 5pm, maari ka nang magresign sa iyong trabaho ang pumasok na sa mundo ng mga negosyante. Maari kang bumuo ng isang negosyo mula sa scratch kung saan mula concept hanggang product at customer service ikaw ang magpaplano. Kung ikaw naman ay isang beginner at hindi mo alam kung paano magsimula ng isang negosyo mula sa scratch ay maari kang magfranchise ng isang negosyo. Maghanap ka lang sa internet. Napakadaming mga franchising companies ang maari mong pagpilian.


Ang mga sumusunod ay ilang mga tips upang makapagsimula ka ng isang franchise na negosyo:

1. Mag-attend ng mga seminars tungkol sa pag-franchise
Ito ang iyong unahing gawin bago magpatayo ng isang franchise na negosyo. Ang mga seminars na ito ay makakatulong sa iyo upang magkaroon ka ng kaalaman tungkol sa mga historical data tungkol sa franchising industry.

Ang mga guest speakers ng mga ito ay successful na mga franchisees at mainam na mainig sa kanila habang ibinabahagi nila ang kanila mga ginawa upang makamtan nila ang success. Nagkakaroon din ng mga open forums sa ganitong mga seminars kung saan maaring magtanong ang mga attendees sa mga speakers.

Ang Philippine Franchise Association ay isa sa mga nagbibigay ng mga franchising seminars sa bansa.

Maari din itong pagkuhanan ng impormasyon tungkol sa mga franchise na mga negosyo sa Pilipinas. Tinutulungan nila ang mga potential na franchisees na makapili kung anong franchise business ang kanilang pwedeng pasukin. Provided din sa directory ng Philippine Franchising Association ang mga basic na detalye tungkol sa mga franchising businesses na registered dito.

Sa panahon ngayon, madami na ding mga kumpanya na nag-ooffer ng mga franchising business na hindi legally registered sa government kaya malaki na din ang naitutulong ng Philippine Franchising Association sa mga mamamayan ng Pilipinas na planong mag-negosyo at maging mga franchisees.  

2. Mag-research
Mag-conduct ng research sa mga sumusunod:
a. Industry analysis- alamin ang level ng competition sa iyong area, average profit margins ng competition, at mga trends at developments.

b. Demand analysis- mangolekta ng data tungkol sa demand patterns, at consumers demographics.

c. Financial analysis-alamin ang ROI o ang Return on Investment ng planong i-franchise na negosyo at income at cash flow projections

3. I-incorporate ang iyong negosyo
Mainam na magpatayo ng isang corporasyon kesa sa isang sole proprietorship na negosyo. Maaring maghire ng mga professionals upang i-aayos ang mga legal requirements kung ikaw ay walang ideya kung paano magsimula ng isang corporation.

May mga franchise companies na bago ka payagan na magfranchise ng kanilang negosyo ay kailangan mo munang i-submit sa kanila ang mga proof na ikaw ay isang legally registered na corporation.

4. Alamin ang mga franchise companies na ikaw ay interesado
Dapat ay mayroon kang matibay na basehan sa pag-decide kung anong franchise company ang iyong makaka-kontrata.

Maari ding tumingin sa directory ng Philippine Franchise Association. Sa directory makikita ang listahan ng mga franchise na negosyo. At mula doon ay maari ka na makapagpili ng kumpanya na iyong i-franchise.

Source: https://tycoon.ph/how-to-start-franchise-business-philippines/

5 comments:

  1. hi look at this item very nice to start your own business

    ReplyDelete
  2. Uso yan ngaun ung online at may nag aalok skin di nmn ako mrunong o wlng idea kya di ako pede..

    ReplyDelete
  3. Sugod nako pili ani basin naa ko ganahan.salamat bossing

    ReplyDelete