Mga Paraan sa Pagpapatayo ng Isang Motorcycle Parts na Negosyo

Share:

Isang sikat na negosyo ang motorcycle parts. Napakadami na din sa mga mamamayan ng Pilipinas ang marunong magdrive ng isang motorsiklo at nagmamay-ari ng mga motorsiklo. Babae man o lalake ay marunong nang magdrive ng motor. Ang ilan naman ay ginagawang hobby ang pagkolekta ng mga motorsiklo. Sikat din sa mga Pinoy ay pagpapaganda ng kanilang mga motorsiklo tulad ng pagdadagdag ng mga disenyo, ilaw, parts, upgrades at iba pang mga parte na magpapabilib sa mga taong makakakita nito.

Credit Image: http://www.bikeforburundi.com/238/purchasing-the-approprite-kawasaki-motorcycle-parts-for-your-bike/

Sa pagsipot ng mga maluluwag na mga credit terms ng mga kumpanya na nagbebenta ng mga motor at iba pang mga produkto tulad na din ng mga sala set, speaker, telebisyon, laptop, aircon at ilan pang mga appliances at furniture.

Madami na ding mga kumpanya na tumutulong sa mga customers na kaagad na makautang tulad na lang ng Home Credit.

Sa Pagpapatayo ng isang motorcycle parts business ay kakailanganin ng sapat na oras para sa pagpa-plano.

Ang mga sumusunod ay mga paraan sa pagpapatayo ng isang motorcycle parts business:

1. Alamin ang iyong mga potential na competition
Alamin kung ano ang mga strengths ng iyong mga competition. Mainam din na i-document o isulat ang mga ito. Alamin ang strengths nila sa presyo at lokasyon. I-research maigi kung kailangan pa ng iyong lugar ng isa pang motorcycle parts vendor. Kung hindi naman pwede sa iyong lugar ay maaring maghanap ng ibang lokasyon na nangangailangan ng isang motorcycle vendor. May mga motorcycle parts na vendors na madami ang inventory para sa mga Harley Davidson na parts kaya maari ka naman magpatayo ng isang motorcycle parts na para sa mga customers na limited lang ang budget.

2. Isipin palagi ang pondo na iyong ilalaan para sa motorcycle parts business
Alamin kung saan kukuha ng pondo para masimulan ang negosyo. Maaring gumamit ng pera mula sa bulsa o isang portion ng iyong savings, umutang sa banko. Sikaping makakuha ng mga credit opportunities mula sa mga potential mong mga suppliers.

3. Humanap ng mga mapagkakatiwalaang mga suppliers
Humanap ng mga suppliers na mapagkakatiwalaan mo na magus-supply sa iyo ng mga inventory na iyong kakailanganin para sa mga regular orders at mga special na parts. Mainam na bumili lamang ng mga supplies ng motorcycle parts sa mga manufacturer.

4. Kumuha ng sapat na bilang ng mga inventory
Alamin ang mga motorcycle parts na magiging mataas ang demand. Manguha ng sapat na stocks na para sa bodyworks, electrical parts, para sa engine, mga frames, at mga gas tanks. Mainam din na may records ka ng mga contact details ng iyong mga potential na suppliers kung sakaling dumating ang panahon na kailangan mong gumawa ng special o immediate na orders.

5. Kumuha ng lisensya at insurance
Mainam na bago pa man simulan ang isang negosyo ay makakuha muna ng mga permits at mga lisenya mula sa local government unit kung saan ilalagay ang isang negosyo upang maiwasan ang mga problema sa legal na pag-ooperate ng isang negosyo.

6. I-market ang iyong negosyo
Sa modernong panahon, maari ka na ring mag-advertise online gamit ang mga social media sites.
Magoffer ng mga tips na related sa mga motorsiklo.

Source: https://smallbusiness.chron.com/start-motorcycle-parts-business-16583.html

No comments