Ang sabi nila ang pera daw ay root of all evil. Tama at
mali. Tama, nagiging masama ang tao dahil sa pera. Mali, dahil kulang ang
sentence, ito dapat ay,”Without money, people will do evil deeds.”
Sa panahon ngayon kalat na sa mga balita sa TV at social
media sites ang mga balita tungkol sa mga nagagawang mga tao dahil sa
kakulangan sa pera. May mga balita tungkol sa mga pagnanakaw, pagapatay sa mga
amo upang makanakaw, at marami pang iba.
Ang isang negosyo na maaring makatulong sa mga taong gipit
sa salapi ay ang mga micro-lending businesses. Ito ay mga negosyo na
nagpapautang kapalit ng interes.
Ang ilang mga tao ay mas gusto umutang sa mga micro-lending
businesses dahil mas madali ditto makautang kung iku-kumpara sa mga proseso na
kailangan pagdaanan sa pag-utang sa mga banko.
Isa pang dahilan ay mas mabilis makakapag-abot ng pera ang mga
micro-lending businesses sa kanilang customers kung ikukumpara sa banko. Ang
mga micro lending companies ay hindi nangangailang ng collateral upang
makapagpautang kung ikukumpara sa mga banko na nanghihingi muna ng collateral
bago ito makapag-release ng pautang.
Ang mga sumusunod ay mga paraan upang makapagpatayo ng isang
micro lending business sa Pilipinas:
1. I-accomplish ang mga registration requirements
Ito ay ang pag-register sa Securities and Exchange
Commission ng iyong kumpanya. Kakailanganin mo din ng isang milyon na paid-up
capital bago makapagsimula ng iyong operations. Ang ilan pang mga kailangan na
puntahan upang magregister ay sa Barangay Hall, City Hall, BIR, SSS, HDMF, at
sa Philhealth.
2. Alamin ang napapanahon na mga legal requirements
Basahin maagi ang “Lending Company Regulation Act of 2007b
at ang “Truth in Lending Act.”
3. Aralin maigi ang iyong target market
Sa pag-alam kung sino ang iyong mga target market, malalaman
mo kung saan mo mainam na i-locate ang iyong negosyo.
4. Kumuha ng competitive na mga empleyado
Kakailanganin mo ng atleast tatlong empleyado upang
makasimula ka ng isang micro-lending na negosyo. Isang loan processor,
collector at bookkeeper. Ang iyong loan
processor at bookkeeper ay dapat may ugali na pagka-metikuloso dahil sa isang
mali lang ay maaring hindi na marecover ang isang pautang o sa kaso ng
bookkeeper, maari kang mapahamak sa ilang mga regulatory bodies ng gobyerno.
Ang collector ay dapat may patience at firmness sa
pakikipag-usap sa mga cliente ng kumpanya.
Huwag kakalimutan na pumili maigi ng karapat-dapt na mga
empleyado. Suriin mabuti ang kanilang personality at alamin kung ang kanilang
pag-uugali ay match sa posisyon na iyong i-aasign sa kanila.
5. Matutong pumili at mangolekta sa mga cliente o customers
ng micro lending business
Ito ang isa sa napaka-importanteng ompetence na dapat mong
idevelopt bilang isang owner ng isang micro-lending business sa Pilipinas.
Alamin mo kung ano ang gusto ng iyong mga cliente. Alamin ang mga current fraud
techniques at isearch kung ano ang maaring pwedeng gawin upang maiwasan ito.
Aralin din ang apat na C ng credit. Ito ay ang Character, Capacity, Capital, at
Collateral.
Source: http://www.businesscoachphil.com/start-your-own-micro-lending-business

No comments