Isang magandang benepisyo ng pagpapatayo ng isang used auto
parts na negosyo ay ang pagtulong mo sa pagbawas ng mga basura na itinatapon sa
mga landfills ng basura. At isa pang benepisyo nito sa communidad ay ang
pagtulong mo sa mga miyembro nito na makabili ng mga auto parts na pasok sa
kanilang budget at para sa mga tao na hindi afford ang makabili ng mga bagong
auto parts para ma-condition ang kanilang mga kotse.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga steps sa pagpapatayo ng
isang used auto parts na negosyo:
1. Magplano para sa isang used auto parts na negosyo
Karamihan sa ganitong mga kumpanya ay nag-ooperate sa local
market. Ang ilan ay gumagawa ng research sa local market para makasigurado na
hindi ganoon kadami ang mga ka-kompetensya sa mga overly-competitive the market
kung saan may mga well-established na din na mga negosyo.
Mainam din na mag-research sa internet. Maaring tumingin sa
local phone book at alamin ang mga similar businesses na located sa iyong area.
I-take into consideration mo din ang laki ng population ng
iyong lungsod or location at i-compare ito sa geographic location ng mga
nag-eexist na mga used auto businesses.
Mas nakakasurvive ang mga used auto parts na negosyo sa mga
lugar kung saan ang karamihan sa populasyon nito ay mga low income earners.
2. Gumawa ng business plan at marketing plan
Kahit gaano pa man kaliit o kalaki ang negosyo
napaka-importante pa rin na gumawa muna ng business plan at marketing plan para
dito upang makapagplano ng maayos.
Ang iyong business plan ay dapat maglaman ng mga listahan ng
kung paano mo patatakbuhin ang iyong negosyo, ang iyong mga specialty, paano mo
ma-maintain ang negosyo, sino ang iyong mga magiging suppliers, at kung ano ang
iyong mga pricing schemes upang kumita ng profit.
Maaring ang iyong mga specialty areas ay sa imports,
exports, motors at body works.
Mainam din na makakapagprovide ka ng mga auto parts na rare
at mahiram hanapin.
Sa iyong business plan, huwag kalimutang lagyan ito ng
listahan ng iyong mga posibleng gastusin.
3. I-accomplish lahat ng mga kakailanganing paperworks
Siguraduhin na bago pa man magsimula ang iyong operations ay
nakapag-accomplish ka na ng lahat ng permits, lisensya, at insurance upang
legal na na masimulan ang iyong operations.
4. Humanap na Suitable na Lokasyon
Kakailanganin mo ng isang lugar kung saan sapat ang space
upang ilagay ang iyong mga used auto parts.
5. Humanap ng madaming suppliers
Mainam na magkaroon ka ng madaming supplier contacts kung
sakaling ang isang supplier ay hindi kayang punan ang iyong mga
pangangailangan.
Mainam din na alam mo o nakalista ang mga auto parts na
iyong kailangan. Depende parin ito kung ano ang specialty ng iyong used auto
parts na negosyo.
Maari ding maghanap ng mga auto part sa mga junkyards,
salvage auctions, at marami pang iba.
Bilang isang used auto parts na negosyante, kailangan mo
i-educate ang sarili mo sa kung paano gumagana ang bawat parts ng isang kotse.
Source: https://m.wikihow.com/Start-a-Used-Auto-Parts-Business

No comments