Mga Tips sa Pagpapatayo ng isang Manukan na Negosyo

Share:

Ang poulty industry ay nagsimula sa isang negosyo na maaring simulant sa bakuran. Sa paglaki ng industriyang ito ay madami na din ang lumago ang mga negosyo at nag expand. Ang iba naman ay nagkakaroon na din ng mga contract farming operations.

Credit Image: http://agritex.co.in/the-core-programs/poultry-farming-animal/

Ang mga sumusunod ay ilang tips sa pagpapatayo ng isang manukan na negosyo:

1. I-estimate ang iyong investment cost
Mainam na alamin mo ang mga magiging gastusin mo sa pagsisimula ng isang manukan na negosyo.

2. Pumili ng mga stocks para sa manukan na negosyo
Dapat na bumili lamang ng mga stocks sa mga mapagkakatiwalaan na mga hatchery at dealer na kung saan ang mga parent na stocks ay nasa isang maayos na bahay-manukan at ang mga ito ay maayos na naaalagaan.

Pumili at bumili ng mga malulusog na mga sisiw. Ang mga ito ay mga tuyo ang balahibo, fluffy ang feathers, masigla ang mga mata, alerto, energetic, walang mga sakit at walang abnormalities. Ang mga sisiw dapat ay pare-pareho ang mga size at kulay. Sa mga broiler na chicks, dapat ito ay may timbang na 33 grams sa kanilang pagkalabas sa itlog.
Piliin ang mga sisiw na malaki ang tsansang makasurvive at mabuhay ng matagal.

3. Tamang pag-aalaga sa mga day-old na mga sisiw
Dapat na bigyan ng sapat na artificial heating ang mga sisiw na magbibigay sa kanila ng init sa buong araw at gabi. Iwasan din ang pagpapalit-palit ng temperatura sa unang dalawang linggo ng mga sisiw.

Bigyan ng sapat na space ang mga sisiw habang sila ay lumalaki. Ang pag-overcrowd ng mga sisiw ay isang dahilan kung bakit hindi nagiging maganda ang paglaki ng mga sisiw na inaalagaan. Mainam din na magkaroon ng magandang ventilation upang maiwasang magkaroon ng mga respiratory diseases ang mga sisiw sa kanilang paglaki. Mainam na lagyan ng sapat na lighting ang mga sisiw upang ang mga ito ay ganahan na kumain.

Bigyan ang mga sisiw ng magandang kalidad na  feeds. Huwag hayaang maging empty ang mga lagayan nila ng pagkain ng sobra sa dalawang oras.
Ang kalinisan ay panatilihin sa kanilang kulungan upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga parasites at mga sakit.

4. Pag-aalaga sa mga Manok
Ang mga broilers ay maaari nang ibenta pagkalipas ng 45 hanggang 60 na araw simula ng kanilang pagkalabas sa itlog.

Ang mga ito ay maaring bigyang ng mga anti-stress na mga gamot bago sila ilipat sa mga growing houses.

Linisin maigi ang growing houses bago ilipat ang mga growing stock.
Sa summer, nababawasan ang appetite ng mga manok. Maari itong masolusyunan sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga manok ng wet mashed feeds o pag-spray sa roofing ng tubig upang bumaba ang temperature sa kanilang mga kulungan.

5. Bahay ng mga manok
Importante ang ventilation. Mag-allocate ng isang square foot na floor space bawat manok.
Ang building na pagkukulungan ng mga manok dapat at hindi infested ng mga daga at hindi madaling ma-access ng mga aso at pusa.

Mainam din na magtanim ng mga puno malapit dito upang may shade ang mga manok sa panahon ng tag-init.

Source: https://businessdiary.com.ph/438/how-to-start-a-poultry-farm-business/amp/

No comments