Madaming klaseng laundry business ang maaring simulan ng
isang Pinoy sa Pilipinas. Depende ito sa
kung magkano ang kaya mong i-invest at kung gaano mo gusto maging involved sa
laundry business. Ang kita sa ganitong negosyo ay depende sa pagkokontrol mo ng
iyong mga gastusin sa operations tulad ng renta, supplies, pasahod at bayad sa
tubig at kuryente. Mainam din na pumili ng tamang equipment.
Mainam din na
kumuha muna ng mga lisensya, permits at ilang
mga legal na papel bago masimulan ang operasyon ng iyong laundry
business. Dapat itong gawin upang makapagsimula ka ng maayos sa pagpapatakbo ng
iyong laundry business.
Ang mga sumusunod ay ilang mga tips sa pagpapatayo ng isang
laundry business:
1. Pumili ng business type
Ang mga type ng laundry business ay dry cleaning business,
home-based laundry servicing, coin-operated laundry business, at isang laundry
shop. Maari ka ding bumili ng isang negosyo na nag-eexist na. Maari ka ding mag
franchise ng isang laundry business at ito ay nagkakahalaga ng 200,000 pesos
hanggang 400,000 pesos. Depende pa rin ito kung anong klaseng franchise ang
iyong iko-kontrata.
2. Pumili ng Location
Sa pagpili ng location ng iyong laundry business, depende pa
rin ito sa type ng laundry business na iyong napili. Kailangan mong maging
strategic sa pagpili ng location para sa isang coin operated na laundry
business. Sa laundry shop at sa dry cleaning business, kailangan mo ng isang
retail location. Mainam na ang size ng shop ay sapat upang ma-accomodate lahat
ng mga equipment na iyong bibilhin at mga customers na papasok sa iyong shop.
Ang average na space ng isang laundry business na laundry shop at dry cleaning
ay 1,500 hanggang 5,000 square feet. Para naman sa isang coin operated na
laundry business ang 100 square feet na space ay sapat na.
Para sa mga home-based na laundry business, siguraduhin na
may sapat na space sa iyong bahay sa pag-operate ng iyong negosyo.
3. Bumili ng equipment
Ang equipment na iyong bibilhin ay depende pa rin sa kung
anong klaseng laundry business ang iyong itatayo. Para sa isang home-based na
laundry business, humanap ng washing extractor na naglalaba at nagpapatuyo ng
mga labada. Para naman sa laundry shop, bumili ng mga get washers, dryers,
plantsa, iron tables, dry cleaning na makinarya, credit card machines at cash
register. Para naman sa mga coin-operated na mga laundry businesses, mainam na
maghanap din nito online sa eBay at Sulit. Ang halaga ng isang coin-operated na
laundry machine ay maaaring umabot sa 100,00 pesos.
4. Kumuha ng mga Empleyado
Hindi na kailangan ng mga empleyado para sa isang home-based
laundry business. Sa mga laundry shop at dry cleaning na laundry businesses,
mainam na mag-hire ng mga empleyado.
5. Mainam na i-advertise ang iyong mga serbisyo
I-advertise ang iyong mga serbisyo sa paraan ng
word-of-mouth, pagbibigay ng mga promotional materials tulad ng flyers at
coupons. Maari ring mag advertise sa isang website tulad ng Sulit. Maari kang
mag-abot ng mga flyers sa bawat bahay sa iyong lugar.
Source: https://bizfluent.com/how-6961700-start-laundry-business-philippines.html
No comments