Mga Paraan sa Pagpapatayo ng isang Gym na Negosyo sa Pilipinas

Share:

Mahilig ka bang mag-exercise? Nagpapalaki ka ba ng katawan? Maari kang kumita habang ginagawa ang iyong hilig.

Magtayo ka ng isang gym na negosyo sa iyong napiling lokasyon. Maari kang kumita ng malaki sa pagpapatayo ng isang gym. Ang iyong mga posibleng mga target market ay ang mga taong body, at health conscious. Sa panahon ngayon napakalakas na ng impluwensya ng social media sa consumer behavior. Nauuso na din ang pagiging body at heath conscious ng mga tao. Kaya maari kang maka-attract ng maraming mga customers sa iyong ipapatayo na gym na negosyo.

Credit Image: https://www.hughbaird.ac.uk/facilities/lifestyle-fitness-gym

Ang mga sumusunod ay mga paraan sa pagpapatayo ng isang gym na negosyo sa Pilipinas:

1. Gumawa ng Estimate ng Capital na kakailanganin sa pagpapatayo ng isang gym na negosyo
Ang isang regular-sized na weight training gym ay nangangailangan ng capital na nagkakahalagang 3 Million Pesos hanggang 5 Million Pesos. Kung gugustuhin mo naman ng isang warehouse gym, mas malaki pa sa 5 million ang iyong kakailanganin.

Kalahati ng iyong capital ay gagamitin mo sa pagbili ng mga equipment para sa opisina at sa gym. 25% naman ng iyong capital ay para sa mga administrative na gastusin tulad ng para sa pagconstruct ng gym at pagbabayad sa mga business permits na kailangan i-accomplish.

Ang natitirang 25% ng capital ay ilalaan mo para sa iyong mga gastos para sa operation ng iyong gym na negosyo. Kailangan din na mayroon kang ponding nakatabi para sa anim na buwan na ipapasahod mo sa iyong mga empleyado.

2. Kumuha ng mga Fitness Equipment
Ang mga basic na equipment para sa mga gyms ay ang treadmill, stationary bike, resistance machines, weights, mga dumbbells, squat rack, pull-up bars, at ilan pang mga functional na mga exercise equipment.

Alamin mo ang iyong target market at iprioritize sila sa pagdesisyon mo ng mga equipment na iyong bibilhin para sa gym.

Laging isipin ang kalidad ng mga equipment na iyong bibilhin para sa gym. Maaring ang mga murang equipment ay madaling masira kaya mainam na magresearch muna tungkol sa mga brands ng mga exercise equipment na iyong pinagpipilian.

3. Pumili ng Gym Staff
Mainam na ang iyong mga kukuning empleyado ay magaling sa pagbebenta at marunong sa pagbuild ng good customer relationships. Mainam na sa lahat ng mga empleyado na iyong kukunin ay magkakaroon ng growth as an individual at as an employee of your gym.

Mainam din na kumuha ng mga fitness trainers na may competitive na kaalaman sa fitness. Mainam din na kumuha ng fitness trainers na marunong makihalubilo sa customers at may sapat at angkop na educational background.

4. Pumili ng Lokasyon
Pumili ng lokasyon kung saan madali kang mahahanap ng iyong target market. Maari ding magtayo ng gym na malapit sa place of work ng iyong target market.

5. Gawing kaaya-aya ang environment ng gym
Hindi lang para sa body building at exercising ang isng gym. Ito din ay isang  lugar kung saan ang mga tao ay nakakapgbonding at nakapag-build ng bagong friendship.

Source: https://fitzvillafuerte.com/6-quick-tips-starting-gym-fitness-center-business.html

No comments