Mga Paraan sa Pagpapatayo ng isang Sari-Sari Store sa Pilipinas

Share:

Ang ilang mga sikat na convenience stores ay ang 7-Eleven, Ministop, at iba pa. Kahit sa ibang bansa ay may mga convenience stores din. May mga convenience stores din na makikita sa mga gasolinahan tulad ng mga convenience stores na Treats at Select.

Maliit man, ang mga munting sari-sari stores ay maaring kumita din ng malaki. Ang kita ng isang negosyo ay depende na din sa galing ng isang tao sa pagmanage nito. Maliit man ay kailangan pa din nito ng sapat na panahon para sa pagplano ng pagapatayo nito.

Ang isang sari-sari store ay tinatawag sa ingles na convenience store. Ito ay nagbibigay ng convenience sa mga customers na gusto ng mabilis na transaction. Ito ay makikita sa madaming mga lugar at madalas ay ito ay inilalagay sa harap ng mga bahay.

Credit Image: https://www.youtube.com/watch?v=7rSYW6Nm_ZI

Kahit na napaka-dami nang mga negosyo tulad ng grocery, malls, department stores sa mga lugar, hindi pa rin mawawala sa uso ang isang sari-sari store lalo na sa mga taong hindi kayang bumili ng isang pack na ibinebenta sa mga grocery stores dahil sa mga sari-sari store ito ay maaring mabili ng tingi.

Ang mga sumusunod ay ilang mga paraan upang maayos na makapagpatayo ng isang sari-sari store:

1. Pumili ng pangalan na agad-agad na tatatak sa isip ng mga magiging customers nito
Ang isang common na paraan sa pag papangalan ng isang sari-sari store ay ang pag lalagay ng pangalan pagkatapos ay dudugtungan ito ng “Sari-Sari Store” sa dulo.
Kahit maliit ang isang sari-sari store ay katulad pa rin ng pagtatayo ng ibang mga business ventures ang mga paraan ng pagsisimula nito. Kaya mainam pa rin na makapili ng pangalan para sa iyong negosyo na kakaiba, related sa negosyo, at madaling maalala.

2. I-register ang iyong negosyo
Kahit gaano pa man kaliit ang isang negosyo, mainam pa din na ito ay iregister sa gobyerno. Mainam din na makakuha muna ng mga permits at lisensya sa pag-ooperate ng isang sari-sari store upang maiwasan ang mga legal problems sa hinaharap. Nakakatulong  din ang pagregister ng negosyo sa pagkakaroon ng opportunity na makapagnegotiate ng presyo at mga credit terms sa mga suppliers, makakuha ng credit sa mga banko at maari ring makatulong sa pagkuha ng mga tax benefits mula sa negosyo.

3. Humanap ng lugar na madamin ang foot traffic
Ang madalas na lokasyon ng isang sari-sari store ay sa harap ng mga tahanan ng may-ari nito. Mainam itong gawin kung ang lokasyon ng iyong bahay ay sa lugar kung saan ito ay dinadaanan ng madaming tao at ito ay madaling matunton. Ang ilang mga advantages sa pagpapatayo ng isang sari-sari store sa harap ng bahay ay ang mga matitipid para sa renta at ang opportunity na makapagtrabaho na hindi na kailangan lumayo pa sa pamilya.

4. Umisip ng isa pang feature na maaring i-offer ng iyong sari-sari store na wala ang iba
Maari ka ding magbenta ng mga pagkain tulad ng mga siomai, siopao, kikiam, at iba pang street foods. Maari mo din itong lagyan ng videoke na for rent.

Source: https://tycoon.ph/how-to-start-sari-sari-store-philippines/

No comments