Mga Paraan sa Pagpapatayo ng isang Custom Design na Furniture na Negosyo

Share:

May mga kurso din na nakukuha sa college na nag-ooffer ng degree in Furniture Design and Manufacturing. Ngunit, maari ka pa rin makapagsimula sa pagpapatayo ng isang Custom Design na Furniture na negosyo kahit wala kang kahit na ano pa mang educational background na related sa Furniture design and manufacturing. Kailangan mo ng magandang imahinasyon, creativity, sipag, at tiyaga upang makapagsimula ng isang successful na custom design furniture na negosyo.

Kung ikaw naman ay isang magaling na furniture designer ngunit wala ang kakayahan na gumawa ng physical na produlkto ay maari kang kumuha ka ng isa o ilang mga tao upang gawin ito para sa iyo.

Credit Imagehttps://customcouches.co.za/

Hindi lang dapat ang skill mo sa pagdesign ng isang furniture at pagmanufacture ng mga ito ang iyong taglayin. Mainam din na ikaw ay may kakayahan na mag-manage ng isang negosyo upang ikaw ay kumita ng malaki at maging successful.

Ang mga sumusunod ay ilang mga paraan sa pagpapatayo ng isang custom design furniture na negosyo

1. Alamin mo kung ano ang iyong nice
Isipin mong maigi ang mga disenyo at klase ng mga furniture na iyong i-ooffer sa iyong mga customers. Alamin kung ito ba ay mga home furnishings, furniture para sa mga opisina, mga cabinet at marami pang iba.

Alamin din ang mga material na iyong gagamitin. Kahoy ba? Bakal? Upholstery? O Combination ng tatlo.

Mainam din na alamin muna kung sino ang iyong magiging target market. Alamin din kung sa iyong kumunidad o sa mas malawak na market  ka magbebenta ng iyong mga produkto.
Maari kang din gumawa ng market analysis para malaman mo kung ano ang magiging demand ng iyong custom design furniture business sa hinaharap.

I-research din ang iyong mga potential na competitors.
Dapat ay i-research din ang maaring successful na pricing scheme ng iyong mga produkto.

2. Magbukas ng isang online store
Sikat na ang pagbebenta ng mga produkto online. I-grab ang opportunity na ito at i-reach na din ang mga customers na active sa mga social media sites at mga online stores.

Maaari ding gumawa ng sariling website para sa iyong negosyo. Sa ganitong paraan mas madadalian ang mga customers na makita ang mga produkto mo kahait nasaan ka pa mang sulok ng mundo.

3. Pumili ng ideal na lugar kung saan mo itatayo ang iyong custom design furniture na negosyo
Itayo ang iyong negosyo sa mga lugar kung saan madaling matutunton ng iyong mga customers ang iyong lokasyon.

I-consider din sa pagpili ng lokasyon ang lugar kung saan located ang iyong mga suppliers.
I-research ang mga zoning laws and regulations upang malaman kung saan ka pwedeng magnegosyo.

Kahit na online ka lang magbebenta ng iyong  mga produkto ay mainam pa din na meron kang physical store na kung saan nakadisplay ang iyong mga paninda.

4. Pumili ng structure ng iyong negosyo
Alamin kung ang custom design furniture business ay bubuoin ng isang sole proprietor ng isang sole proprietorship na business, ng mga partners ng isang partnership business, o ng mga shareholders ng isang corporation na negosyo.

Source: https://www.wikihow.com/Start-Your-Own-Custom-Design-Furniture-Business

No comments