Mga Paraan sa Pagpapatayo ng isang Optical Clinic sa Pilipinas

Share:

Hindi na lang nagiging para sa pagtulong na makakita ng malinaw ang mga salamin. Ito na rin ay ginagamit ng mga tao upang makapagpakit ng isang fashion statement. Malaki ang nagiging epekto sa appearance ng isang tao na nagsusuot ng salamin. Kaya mainam din na magkaroon ng madaming disenyo na maaring pagpilian. Malaki din ang kinikita ng mga optical clinics.

Credit Image: http://primark.com.ph/promo-events/sightview-optical-clinic-now-open-primark-town-center-rosario

Sa paglaganap ng paggamit ng mga digital devices tulad ng mga computers at mga smart phones ay nakakadagdag din minsan ito sa damage sa mga mata ng mga abusive users nito. Sa panahon ngayon, napakadaming mga tao ang nangangailangan ng salamin upang mabigyan ng proteksyon ang kanilang mga mata mula sa mga harmful rays mula sa mga digital devices na mga ito. Nakakatulong dina ng mga optical clinics sa mga taong hindi ganoon ka healthy ang mga mata upang makakita ng mas maayos at mas malinaw.

Ang mga sumusunod ay mga paraan sa pagpapatayo ng isang optical clinic sa Pilipinas:

1. Kumuha ng Capital
Hindi ka makakapagsimula ng isang negosyo kung wala kan start-up na capital. Ang iyong kakailanganin na capital ay nakadepende kung gaano kalaki ang iyong gagawin na optical clinic sa inyong lugar, ilang mga tao ang iyong kukunin bilang mga empleyado, at mga gastusin sa pagbili ng mga equipment na iyong gagamitin.

Maari kang gumamit ng pondo mula sa iyong personal savings. Maari ka din na manghiram ng pera mula sa iyong mga magulang, mga kapatid, mga kamag-anak, mga kaibigan, o sa mga banko at mga lending corporations.

2. Alam ang tema at specialty ng iyong optical clinic
Maari kang mag-offer ng mga produktong unique at hindi matatagpuan sa ilang mga optical clinic sa iyong lugar. Maari ka ding mag-offer ng mga produktong mas mura ang presyo kung ikukumpara sa presyo ng mga panina=da ng iyong mga competitors.

3. Makipag-partner sa isang supplier
Makipagpartner sa isang high class at mapagkakatiwalaang eyewear designer. Kapag nagkaroon ka ng magandang relasyon sa iyong mga suppliers, magakakaroon ka ng flexibility, mataas na potential para sa growth, at mabilis na delivery time ng iyong mga inventories.

4. Alamin mo ang iyong mga customers
Mag-research ka ng iyong market. Alamin mo kung ano ang sinusuot ng iyong mga potential na customers. Alamin ang mga produkto at mga disenyo na willing paggastusan ng mga customers. Alamin din ang mga brands na gusto o pina-patronize ng mga tao sa iyong lugar.

Mainam din na makipag usap sa mga tao at alamin kung saan nila nabili ang kanilang mga eyewear upang magkaidea ka sa mga klase ng produktong ini-offer ng iyong mga competitors.

5. Pumili ng lokasyon
Pumili ng lugar kung saan mataas ang foot traffic o ang lugar kung saan dinadaanan ng madaming tao. Maari ka ding pumili ng lugar kung saan malapit s iyong mga competitors kung sa tingin mo ay kailangan pa ng mga tao ang mas madami pang pagpipilian na eyewear products.

6. Market your Business
Maari mong ipromote ang iyong negosyo sa internet gamit ang sarili mong website o mga social media sites tulad ng facebook at twitter. Maari ka din magbigay ng mga leaflets at brocures.

Source: https://smallbusiness.chron.com/open-optical-shop-15440.html

No comments