Mga Paraan sa Pagpapatayo ng isang Appliance Repair na Negosyo

Share:

Sa panahon ngayon, napakahirap nang makapundar ng mga ari-arian. Mahirap ng makapag-ipon sa dami ng mga gastusin at mga bilihin para sa sarili at sa pamilya. Kahit ang isang single na tao na walang binubuhy na pamilya ay hirap na ding makapag tabi ng sapat na halaga upang mabuhay ng mas higit pa sa sakto o standard na pamumuhay na ini-expect ng bawat mamayan ng Pilipinas. Paano pa kaya ang isang indibidwal na nagta-trabaho upang kumita ng halaga na makakabuhay sa isang pamilya na ang miyembro ay apat o kaya ang mga miyembro ay inaabot ng sampo o higit pa.

Credit Image: https://nearsay.com/c/54994/40673/why-choose-us-for-appliance-repair-just-appliance-repair

Dahil sa mga sitwasyong ito ng mga mamamayang Pilipino, mainam na talaga na maging maingat at matalino sa mga gastusin at bilihin. Uso na ang pagtitipid, matalinong pamimili, at ang pagiging madiskarte. Kung walang ganito ang isang bread-winner ng pamilya o ang taga-budget ng pamilya, mahihirapan ito na pagkasyahin ang maliit na kinikita sa isang buwan para sa mga buwanang gastusing tulad ng para sa pagkain, tubig, tulugan, pampamasahe para sa public transportation at sa iba pa.

Sa pagbili na nga lang ng para sa mga pangunahing pangangailangan ay napakahirap na sa isang Pilipinong limited lang ang kinikita buwan-buwan, paano pa kaya ang pagbili ng mga pampalamuti sa bahay o mga appliances tulad ng telebisyon, Refrigerator, Refrigerator, Rice Cooker, Aircon at marami pang iba. Dahil dito, nauuso na din ang mga negosyong para sa pag-repair ng mga nasisirang appliances at ang pagbuy and sell ng mga second hand na appliances.

Kung ikaw ay isang tao na mechanically enclined o nagkaroon ka ng formal training o education sa pagkumpuni ng mga appliances ay maari mo itong magamit sa pagpapatayo ng isang negosyo na para sa pagkumpuni ng mga appliances.

Ang mga sumusunod ay mga paraan sa pagpapatayo ng isang appliance repair na negosyo:

1. Kumuha ng mga legal papers at permits
Bago pa man simulan ang isang negosyo, dapat ay makakuha ka muna ng business permits at ilan pang mga legal papers na makakapagbigay sayo ng legal power to do business sa inyong lugar. 

Mainam na ito muna ang gawin bago magsimula ang operation ng iyong negosyo upang hindi na magkaproblema sa oras ng operation ng iyong business.

2. Kumuha ng transportation vehicle
Mainam na kumuha ng maliit na van, tricycle o kahit na ano pa mang transportation vehicle na magagamit mo sa pagkuha at pagdeliver ng mga appliances na iyong nakumpuni o ikukumpuni.

3. Bumili ng mga basic tools ng para sa pagkukumpuni
Bumili ng mga basic tools tulad ng mga fuse, belts, thermostats at marami pang iba.

4. Gumawa ng paraan upang ma-imarket mo ang iyong business
Maari kang gumawa ng isang website, magnetic na door signs na maari mong ilagay sa iyong shop o sa iyong sasakyan, mga business cards, at marami pang iba.

5. Maglagay ng sapat na work space sa loob ng iyong shop
Mainam na maglagay ng designated na lugar sa iyong shop na kung saan sakto lang na ikaw ay makakagalaw ng maayos habang nagkukumpuni ng mga nasirang appliances

Source: https://www.thebalancesmb.com/orville-redenbachers-ghostbusters-sweepstakes-4046138

No comments