Mga Paraan sa Pagpapatayo ng isang Internet Café sa Pilipinas

Share:

Ang paggamit ng computer ay nagiging parte ng araw araw ng bawat Pilipino. Ginagamit ito sa pagbisita sa mga websites tulad ng mga social media pages ng facebook, instagram, twitter, at marami pang iba. 

Ginagamit na din ito upang mabilis na malaman ang mga news sa Pilipinas at sa ibang bansa. Malaki rin ang naitutulong nito sa mga teacher, estudyante, at marami pang tao sa paghahanap ng mga defintions at mga discussions sa mga topics na nais nilang malaman.

Credit Image: https://www.nvidia.com/content/apac/icafe/en/gallery.html

Kung ikaw ay isang tao na magaling sa paggamit ng computer o may formal na training o education ay maaari kang magpatayo ng isang internet café na negosyo sa iyong lugar.

Ang mga sumusunod ay mga paraan sa pagpapatayo ng isang internet café sa Pilipinas:

1. Maggawa ng mga idea sa pagpapatayo mo ng iyong internet café na negosyo
Isulat ang mga amenities at mga serbisyo na iyong i-ooffer sa iyong mga customers. Maari ring bumisita ng mga internet cafes upang magkaroon ng idea kung paano nila pinalalakad ang kanilang mga negosyo. Mainam din na makipag usap sa mga may ari ng mga internet café na ito upang malaman ang mga advantage at disadvantage ng ganitong klase ng negosyo.

2. Magresearch
Mainam pa din na magresearch kung ano ang magiging outcome ng iyong pagpapatayo ng isang internet café sa iyong lugar. Alamin din ang demand ng isang internet café sa iyong lugar. Alamin din ang sitwasyong ng iyong mga magiging competitors sa lugar. Maari ka na ding gumawa ng estimate kung ano ang mga posibleng gagastusin mo para sa pagbili ng mga equipment, furniture, software at marami pang iba.

3. Gumawa ng isang business plan
Sa paggawa ng isang business plan kailangan mong alamin ang magiging focus ng iyong negosyo. Kakailanganin mo ding idescribe ang iyong negosyo at ang mga magiging market nito. Mainam din na gumawa ng marketing research upang malaman mo ang iyong mga major at minor competitors sa iyong lugar. Ito rin ay makakatulong upang iyong malaman ang iyong target market at ang kanilang mga preferences, needs at wants. Makakatulong din ito upang makapagplano ka sa iyong operations at mga issue na pinansyal.

4. Gumawa ng estimate ng iyong kakailanganing pondo
Gamit ang iyong financial plan, mainam na alamin kung sa sariling bulsa o saving mo ba manggagaling ang iyong pondo o hihingi o hihiram sa mga magulang, kapatid, kaibigan, mga kamag-anak, banko o mga lending corporations.

Mainam na alamin mo din ang iyong mga gagastusin sa operations ng iyong negosyo. Ang ilang mga importanteng operating expenses ay ang mga gastusing sa lisensya, permits, insurance, renta, security system, pasahod sa mga empleyado, mga computer equipment, at mga professional fees na babayarin.

5. Pumili ng magandang lokasyon
Mainam na pumili ng isang lokasyon na stable ang internet connection. Walang customer ang gugutuhin na mga surf sa isang internet café na napakabagal ng internet connection.

Kaya ito dapat ang isa sa bigyang priority sa paghahanap ng lokasyon. Madalas na successful na lugar ng pagpapatayo ng mga internet cafes ay sa mga lugar na malapit sa mga paaralan.

Source: https://www.wikihow.com/Set-up-an-Internet-Cafe

No comments