Ang tubig ay isa sa mga basic necessities ng tao. Ang ilang
mga negosyo na malaki rin ang kinikita ay ang mga negosyo na nakakasatisfy ng
mga pangunahing pangangailangan ng mga tao. Kailangan ng tao ang uminom ng
tubig upang makasurvive at kailangan ng tao ng malinis na tubig upang hindi
naman magkasakit sa pag-inom ng mga tubig na may contamination ng mga virus,
germs o bacteria na nagdadala ng mga sakit.
Credit Image: https://www.youtube.com/watch?v=tv9Ve8Fn2-Y
Ang mga sumusunod ay mga paraan sa pagpaptayo ng isang water
refilling station na negosyo sa Pilipinas:
1. Gumawa ng business plan
Bago pa man simulan ang isang negosyo ay mainam na gumawa
muna ng isang plano na tinatawag na business plan. Ilagay sa iyong business
plan ang iyong vision, brand values, identity at kung paano ito mag-ooperate
upang maging matagumpay na water refilling station. Makakatulong din ang isang
business plan sa sa pagkakaroon mo ng focus sa iyong mga business goals at mas
makakaakit ka ng mga investors na maaring tulungan ka sa pamamagitan ng
pagbibbigay sa iyo ng additional funding.
2. Pumili ng lokasyon
Ang isang magandang lokasyon ng isang water refilling
station ay dapat malapit ito sa kanyang target market. Ang pagtayo ng iyong
negosyo ay dapat sa isang lugar na madali itong matutunton ng iyong target
market. Mainam din na ilagay ang iyogn water refilling station kung saan malaki
ang foot traffic o ang lugar na madaming tao ang dumadaan.
Mainam na itayo ang isang water refilling station sa mga
lugar na malapit sa mga paaralan, mga ospital, mga clinics, mga opisina, mga
hotels, mga apartments, mga high-rise buildings at sa mga subdivisions.
3. Humanap ng Suppliers
Humanap ng supplier ng water refilling equipment at humingi
ng kanilang mga price list. Huwag mag-settle sa iisang supplier lang. Kung sa
tingin mo ay mataas ang kanilang presyo, humanap pa ng ibang pwedeng
makakapag-supply sa iyo ng water refilling equipment sa mas murang halaga.
Pagkatapos mong makaipon ng listahan ng mga price lists ng mga suppliers na
iyong nahanap, maari ka nang pumili at magdecide kung anong supplier ang
makakapag-offer sa iyong ng mura at dekalidad na water refilling equipment.
4. Iregister ang iyong negosyo
Ang pag-register ng iyong negosyo ang magpapalegal sa iyong
negosyo. Kung ikaw ay isang sole proprietor, maari mong iregister ang iyong
negosyo sa Department of Trade and Industry o DTI. Ang DTI ay hihingi sa iyo ng
detalye tungkol sa iyong negosyo tulad ng iyong business name at lokasyon.
Mainam na mag-lista ng at least 5 hanggang 10 na business name ideas.
Pagkatapos magregister sa DTI ay maari ka nang kumuha ng
business permit mula sa opisina ng Mayor. Ang prosesong ito ay aabot ng dalawa
hanggang tatlong linggo. Ngunit depende pa rin ito sa lugar kung saan ka
kumukuha ng permit.
Ang ibang mga municipality office ay nagrerequire na
magsubmit ka muna ng mga sumusunod bago ka mabigyan ng business permit ng
mayor’s office:
a. analysis ng potability ng tubig
b. engineering drawings
Source: https://businessdiary.com.ph/830/how-to-start-a-water-refilling-station-business/
No comments