Mga Paraan sa Pagpapatayo ng isang Street Food na Negosyo sa Pilipinas

Share:

Ang street food ay isa sa mga produkto na kahit kalianman ay hindi nawawala sa uso. Kahit na ano man ang estado ng ekonomiya ng bansa ay ito pa rin ang hahanap-hanapin ng bawat Pinoy.

Hindi lang dahil sa napakamura nitong presyo kaya ito ay patuloy na tinatangkilik ng bawat Pilipino kundi pati na din ang recipe ng mga ito na pasok na pasok sa panlasang para sa Pilipino.

Malaki din ang naitutulong ng mga street food vendors sa mga Pinoy na gipit na sa pera. Hindi lang pang-meryenda, pasado din ito sa pagiging ulam.

Credit Image: https://www.youtube.com/watch?v=_xblEQJRMQY

Napaka-ideal ng street food na negosyo para sa mga tao na nagsisimula pa lang pasukin ang business world. Napaka-ideal din ng ganitong negosyo sa mga lugar kung saan napakadami ng dumadaan at napakadami din ng populasyon.

Ang mga sumusunod ay mga paraan sa pagpapatayo ng isang street food na negosyo sa Pilipinas

1. Alamin kung kailangan mag-franchise o magtayo na lang ng sariling store
Ang isang mabilis at madaling paraan sa pagsisimula ng isang street food na negosyo ay ang pag-franchise ng isang negosyo.

Ang isa pang advantage sa pag-franchise ng isang negosyo ay ang kalinisan dahil ang traditional na street food stores ay sikat sa pagkakaroon ng mga unsanitary na mga proseso sa pag-prepare ng mga pagkain.

Ang ilang mge franchise business na maaring mai-franchise ay ang “Pinoy Hot Balls and Fries, “Takoyaki”, at “Gulaman Corner”.

Ang isang advantage naman ng pagtayo ng iyong sariling konsepto ay hindi nangangailangan ng capital na kasing laki ng para sa pagsisimula ng isang franchise na negosyo.

2. Pumili ng  mga street foods na iyong planong ibenta para sa iyong Street Food Business
Maari kang magbenta ng isaw, ukoy, kwek kwek, helmet, adidas, Betamax, mango-on-stick, fish ball, chicken balls, squid balls, balut, banana cue, turon, binatog, taho, mami, sotanghon, lugaw at madami pang iba.

3. Humanap ng maaasahan na supplier
Mainam na pumili ng mga suppliers na makapagbibigay sa iyong negosyo ng mga produkto na sariwa at maganda ang quality.

Mainam na mag-build ng mga long-term na partnership sa mga suppliers na makakapagbigay sayo ng mga sariwa at de-kalidad na negosyo.

Kaugaliang magbayad ng tama sa oras upang ang relasyon mo saiyong supplier ay maging maaliwalas.

4. Kumuha ng mga equipment at tao na sakto sa negosyo
Bumili ng griller, mga utensils na gagamitin sa pagluluto ng mga street foods na iyong ititinda, bumili ng stove, LPG tank panluto, kaldero, plastic, paper plates, at ilan pang mga bagay na makakatulong sa pag-prepare ng mga panindang street foods.

Mainam din na kumuha ng tao na maari kang tulungan sa pag-operate ng iyong negosyo. Huwag magtiwala sa mga referral o sabi-sabi ng mga tao tungkol sa isang applicant. Mas wais pa din ang pagkuha ng background check sa applicant.

5. Gumawa ng masarap na sauce
Kulang ang mga street foods kung wala itong ka-partner na napakasarap na sauce. Iba-ba din ang mga sauce na maaring i-offer sa mga customers. Madaming mga recipes ang nasa internet.

Source: https://filipiknow.net/street-food-business-in-the-philippines/

No comments