ENTRETEL CORPORATION - SCAMMER NA MANLOLOKO PA!

Share:

 ENTRETEL CORPORATION nagjo-joke lang ba kayo? Parang pinaglalaruan nyo lang ang mga members nyo. May pa update-update pa kayong nalalaman. Hindi biro ang ginawa nyo sa inyong mga members. Kung serious business owner talaga kayo, hindi nyo gagawin ang ginagawa nyo sa GRD members noon at ngayon naman sa ETC. Hindi pa kayo nakuntinto, may TNC pa kayong inumpisahang ipo-promote pagkatapos nyong lokohin ang ETC members.

Ilang araw kayong down tapos sasabihin nyo lang na 600 accounts lang ang encoded at ang total nyong members ay 2,505. Ibig sabihin mayron pang hindi encoded, verified at validated na around 1,905. Halos isang buwan kayong nagkunwaring nag validate pero wala palang nangyayari.


Ang msaklap pa, yong mga accounts ng mga members nyo na hindi naman pina-verified at pina-validate dahil maliit lang ang laman, yon pa ang nakakatanggap ng regular updates mula sa system ninyo. Ibig sabihin, hindi totoong nagcrash or nagcorrupt ang buong files noong nakaraang buwan. Lahat na yon ay kasinungalingan nyo lang at alibis para hindi kayo susugurin ng pambabatikos?

"Bilogin nyo ang ulo ng inyong kaibigan at kamag-anak pero hindi nyo mabibilog ang mga utak ng inyong mga members. Humanda na kayo kung saan kayo magtatago dahil mayron kayong kasong kahaharapin. Kung pinalagpas kayo noong GRD pa, ngayong sa ETC na siguradong maypaglalagyan na kayo." Iyan ang mga komento ng mga members na mula sa iba't-ibang sulok na Pilipinas. Hindi na nila hahayaan na makapanloko pa kayong muli. Abangan nyo ang updates mula sa mga members dahil hindi na nila kailangan ang UPDATES mula sa inyo.

Huwag nyo nang idaan sa mga pa-update nyo sa mga na-encode dahil hindi na kami madadala sa mga alibis nyo. Maliit lang ang lugar nyo at siguradong hindi kayo makaka-eskapo. Tutuhanin nyo ang sinasabi nyong REFUND kung seryoso kayo sa pinagsasabi nyo. 

Ilang araw na pero ni isang anino ng refund ay walang dumating sa kahit sinong members ng ETC. Baka ang ni-refund nyo lang ay ang mga members na kasangga nyo sa panloloko. Napag-alaman na din namin na may mga nagkunwaring STOCKIST pero hindi pala. Sila ay nagkunwari lamang para makapanloko ng mga tao na mag-invest sa system ninyo.


No comments