ENTRETEL CORPORATION TURN TO SCAM

Share:

Hindi inaasahan ng stockist, dealers at mga retailers na mauuwi lang pala sa ganito at iiwan ang karamihan sa ere na hindi man lang mababawi ang kani-kanilang mga investment. Nagsimula sa magandang program at malaki ang kinikita ng mga kumukuha ng load sa kanila lalo na sa traditional loading. Sinong mag-aakala na pati pala sa ALLNETWORK LOADING ay mayron na ring mang-iiscam? 

Isa malinis na pamamaraan para makapang-scam dahil ang loading business ay napakasikat ngayon at hindi talaga ito nalalaus mula't sapol. Nag-level up na pala ang mga scammer ngayon. Dahil isa din itong networking o isang uri ng panghihimok ng magiging user or members, di malayong magiging scam din talaga ito sa bandang huli.



May tatlong level ang ENTRETEL Corporation

1. Stockist

2. Dealers

3. Retailers

Para maging STOCKIST kailangan mo mamuhunan o mag-investment ng P50,000 at ang babalik lang sayo as LOAD FUND ay P15,000. Ibig sabihin ang P35,000 ay magiging system fee pero marami naman itong benefits. Every top up mo ay may commission na 5% compared sa iba na nasa 3% lang. Makakapag-transfer ka ng load fund sa iyong mga dealers at retailers. Kung marami kang dealers at retailers, the more income you will earn from them. 

Para maging DEALERS, you need to invest a minimum capital of P1,500. Ang maibabalik sa Load Fund mo ay P500. Ibig sabihin, P1,000 ang magiging system fee. Ang benefits mo naman ay pwede kang kumita ng 3% sa bawat load na naibinta mo as rebates. Pagdating naman sa top up, you will earn 2%.  At kung makakarami ka ng retailers, malaki din ang kikitain mo.




Ang pinakamababa user sa system ni ETC ay ang mga retailers. Pero sila talaga yong totoong bumubuhay ng company dahil sila yong pinakamarami sa buong system. Para maging retailers, kailangan mong mag-invest ng P300. Mayron kang free P100 load fund para makapag-umpisang magbinta. Kikita ka rin ng 3% every load denomination na maibinta mo. The more binta, the more kita.

Ang ganda sana kaso pagdating naman sa system nila, ON and OFF. On ng iilang araw pero mag-off naman ng ilang linggo. Until nag temporary OFF ito last month. Ipinangako ng may-ari na mag UP ito ngayong araw May 15, 2021 pero as of the moment 2PM na, wala pa ring balita. Wala ring latest update sa kanilang page kung anong oras mag UP sila.

Ang pinakamasaklap, marami pa ang may malaking balance sa kanilang load fund lalo na yong mga STOCKIST. Yong iba nasa P30,000 pa at ang iba naman ay mahigit P20,000. Salamantalang marami ding mga dealers ang may malaki pang load fund at ganun din sa mga retailers. 

Kaya mag-ingat po tayo dahil ang mga scammer ngayon ay gumagawa ng iba't-ibang paraan para makapangloko ng kapwa. Mahirap maging biktima lalo na ngayon na sobrang hirap ng buhay dahil sa pandemya. Mag-ingat po tayo sa pagsali ng mga ALLNETWORK Loading dahil mas dumadami na sila ngayon. Marami na ang nagiging FLY BY NIGHT na mga allnetwork loading system.

Para makaiwas, sumali nalang sa mga matatagal na at legit na mga loading platform. Limit your investment kung gusto nyo talagang subukan. Huwag padadala sa mga matatamis na salita. Sa umpisa maganda pa ang takbo pero kinalaunan doon na lalabas ang mga problema.


Sa ngayon marami ang nag-aantay sa balita tungkol sa pag-UP ng ETC system pero parang maglalaho na talaga ito na parang bula. Ayon sa mga nakausap namin na mga users ni ETC, ito din daw ang dating GRD loading noon na bigla ding nawala. Dahil mayron ngayong lumabas na TNC na kahawig ni ETC at mayrong mga nagkukunwarin



g STOCKIST ni ETC na ngayon at nasa TNC na rin. 

Sinasabi ng karamihan na maraming kaibigan ang may-ari na nagkukunwaring STOCKIST para makapanghatak at makapang-ingganyo ng tao para pumasok kay ETC. Abangan ang susunod naming update tungkol sa ETC mamaya or bukas. Kung wala talagang balita sa pag-UP ngayon, confirm na itong si ETC ay isang scam.

More info about ETC please follow this link:

https://magnegosyongayon.blogspot.com/2021/02/the-best-all-network-loading-business.html

No comments