ENTRETEL CORPORATION IS NOW A SCAM!

Share:

Nangyari na nga ang kinakatakutan ng lahat. Sa estelo pa lang ng takbo mula nong nag UP and DOWN ito, di malayong matutuluyan na talaga itong ma-knockdown. At ito na nga ang nangyayari sa Entretel Corporation. Hindi na nakabangon! Sa madaling salita hindi na bumangon at tuluyan ng ibinaon sa lupa ang kanyang system at platform. Tahimik na ang management team na kinabibilangan ng mga IT at Admins. 

Ang tanong ng karamihang mga USERS ni ETC, totoo ba talagang may team sa likod na ETC platform? O baka naman, si CEO, si IT at ang mga ADMINS ay iisang tao lang. Yong mga taong kunwari concern sa mga users at KUNO hinahanap ang CEO at kung sino pang Poncio Pilato isa lamang panlilinlang tapos ang ending, ang taong nasa likod pala ay iisang tao lamang at walang iba kundi si GABBY REQUENA DIAMA?



Goodbye naba talaga o may pag-asa pa? Isa malaking palaisipan kung totoo din yong pagsasabi nila na magre-REFUND si ETC sa mga users. TALAGA nga bang may refund o baka matulad lang din sa ipinangakong MAY 15, 2021 pero nilagyan lang ata ng P5,000 ang system at yon ilang minuto lang knockdown na naman ang ETC system. Baka ang mangyayari na naman pili lang ang mare-refund at ang karamihan kanila ng tatakbuhan.

WHO CARES? Hindi naman sila kilala ng karamihang users. Kaya pwede na nila itakbo ang nakulimbat nila pera mula sa lahat ng mga users ni ETC. Nakakapanlomo lang na marami ang nagiging biktima, kapos din at mula pa sa kanilang dugo't pawis ang kanilang pinuhunan para lanag sana ay kikita ng kahit kunti para may pambili sa pangangailan sa araw-araw. Hindi nila inaakala na mauuwi lang pala sa wala ang lahat.



Walang nakakakilala sa totoong may-ari ng ETC. Yong mga mutual friends ni ETC sa FB sinasabi din na wala silang capacity to locate kung saan talaga nakatira si GABBY REQUENA DIAMA. Pero sigurado ako na isa sa mga STOCKIST ni ETC ay nakakakilala sa kanya. Kung sakaling maraming DUMMY na STOCKIST, sigurado na malapit si GABBY sa kanila at marami silang kumikita sa perang nakukuha nila sa panloloko.



Para sa investigation kay GABBY R. DIAMA, kailangan makuha ang exact location ng kanyang business permit. Dahil registered ang ETC-LOAD TELECOMMUNICATION SERVICES, sigurado na nagsubmit ito ng mga valid ID at personal information. Dapat mayrong makapunta sa HAGONOY, DAVAO DEL SUR kung saan naka-address ang kanyang legal papers to operate his business.



Pero dahil pandemic ngayon, mahirap lumusot sa mga lugar kung saan mahigpit ang local authority dahil sa kinakatakutang virus. Malamang kung mayron mang taga HAGONOY na users, siguradong malapit ito kay ETC at hindi ito kakanta sa ibang mga users lalo na yong nasa malayo. Maaari ding, yong mga taga Hagonoy na users ay mga kasamahan ni Gabby sa pang-i-scam.

Nakakapanghinayang at nakakapanlumo ang sinapit ng mga kapos na nga sa buhay, nagiging biktima pa sa mga manloloko. Sa mga may alam sa isyung ito, huwag magdalawang isip na mag comment sa baba para matulongan natin ang mga nagiging biktima ni ETC. Sa halip na makabili na sana ng kunting bigas, napunta pa sa mga manlolokong kamay.

Update: 

Sa mga users or members ng ETC Loading, para matunton din kung sino ang nasa likod ng ETC na yan. Pwede nyong i-report sa SMART or sa GLOBE kung kaninong DISTRIBUTOR account ang ginamit nila sa SMARTLOAD at sa AUTOLOADMAX. Maaari din kayong lumapit sa REGIONAL DISTRIBUTOR NG SMARTLOAD SA DAVAO REGION ang "8TELCOM" at sa AUTOLOADMAX naman ang "MARS AGRIVENTURE INC.". Sa pamamagitan ng confirmation text na natanggap ng inyong retailers nong nilodan nyo sila gamit ang system ni ETC, matunton na po kung sino ang ACCOUNT na nasa likod ng ETC TRADITIONAL LOADING.  

No comments